BAUAN, Batangas - Hinihinalang magnanakaw ang isang lalaki na natagpuang patay matapos umanong makuryente sa sub-station ng Power House sa AG&P sa Barangay San Roque, Bauan, Batangas. Hindi pa nakikilala ang bangkay na nasa 20-25 ang edad, may taas na 5’3”, walang suot na pang-itaas at nakapulang shorts.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 10:00 ng gabi nitong Martes nang mapansin ng guwardiyang si Marvin Cueva ang paglingas ng power house na may 69,000 volts hanggang matuklasan ang pagkakakuryente ng suspek.

Dinala ang bangkay sa Funeraria Bautista sa Bgy. Manghinao, Bauan habang kinikilala pa ng mga awtoridad.

(Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog