CAPE TOWN, South Africa – Handa na para sa pinakamalaking laban sa kanyang career si Jason Canoy ng Omega Boxing Gym sa kanyang pakikipagtuos kay World Boxing Federation bantamweight champion Mzuvikile Magwaca sa Biyernes (Sabado sa Manila).

Kaagad na sumabak sa light workout at running activity si Canoy sa kanyang pagdating sa Cape Town, South Africa nitong Lunes. Kabuuang 10 oras ang byahe ni Canoy mula sa Cebu patungo sa Dubai via Clark (10.5 hours), at karagdagang 9.5 oras mula Dubai hanggang sa Cape Town.

“Ready na kaayo ta mo duwa sa biyernes. Sakto ra ang adjustment time diri kay naa pay tulo ka adlaw bag-o ang fight,” pahayag ni Canoy.

Madali lamang ang adjustment ni Canoy bunsod na rin na anim na oras ang bentahe ng Cape Town sa Pilipinas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!