Cast ng 'Kung Kailangan Mo ako' copy

MALAYO talaga ang nararating kapag magaling ang artista lalo na’t marunong pang makisama sa lahat ng katrabaho mula sa kapwa artista hanggang staff and crew, at higit sa lahat, hindi pasaway o walang attitude.

‘Yan si Joshua Garcia. Hindi pa nga tapos ang teleseryeng The Greatest Love ay heto at nag-pictorial na siya para sa susunod niyang serye.

Ano ito, maglalagare siya? Nabalitaan kasi namin na extended ang The Greatest Love ng ilang linggo.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Inihayag ng Dreamscape Entertainment ang bago nilang teleseryeng Kung Kailangan Mo Ako na ang bubuo sa cast, bukod kay Joshua, ay sina McCoy de Leon, Elise Joson, Alexa Ilacad, Nash Aguas, Elmo Magalona, Janella Salvador, Mylene Dizon, John Estrada at ang nagbabalik na si Eula Valdez.

Mukhang si Joshua ang paborito ngayon ng lahat na business unit head dahil sa magandang performance niya sa The Greatest Love bilang si Z, ang kaisa-isa’t paboritong apo ni Mamang Gloria (Sylvia Sanchez).

Mismong ang aktres ang nakapagsabi sa amin na sisikat nang husto si Joshua dahil magaling at may lalim umarte, marunong ngang makisama. Kaya lagi rin niyang pinangangaralan na huwag lalaki ang ulo.

Sorry for the term, pero ‘nilamon’ niya ng buung-buo si Ronnie Alonte sa pelikulang Vince & Kath & James na ipinalabas sa Metro Manila Film Festival 2016. ‘Di ba nga, puring-puri rin si Joshua ng mga hurado sa MMFF.

Mabilis ang pag-angat ng career ni Josh, ilang taon pa lang siya sa showbiz pero heto at kaliwa’t kanan na ang show at TVC niya. (Reggee Bonoan)