BATANGAS CITY - Dead on the spot ang isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) at isa pang lalaki matapos pagbabarilin habang naglalakad sa Sitio Santa Clara, Barangay San Jose Sico sa Batangas City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Rocky Gonzales, 25, miyembro ng CAFGU, at taga-Taysan; at Raul Pastrana, taga-San Jose, Batangas.

Ayon sa report ni PO3 Roderick Manalo, dakong 8:30 ng gabi at naglalakad ang mga biktima nang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek. (Lyka Manalo)

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!