Local at Fil-Am bet, masusukat ang kahandaan sa National Open.

HANDA at sapat ang kasanayan ng atletang Pinoy para makasabay, hindi man malagpasan ang inaasahan ng pamunuan ng Philippine Amateur Athletics Association (PATAFA), sa pangunguna ni Philip Ella ‘Popoy’ Juico.

Isasalang ng bansa ang mga atleta na nangibabaw sa collegiate league, gayundin sa Palarong Pambansa laban sa mga ‘promising’ juniors ng 10 bansa sa region para sa 12th SEA Youth Athletics Championships.

“We have the opportunity as host to field at least two athletes in an event. Malaki yung tyansa natin para sa podium finish,” sambit ni Juico.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kabuuang 147 atleta – 77 Pinoy at 70 foreign – ang sasalanang sa Youth Championship na gaganapin sa Marso 27-28.

“There are 18 events in both the boys and girls division,” aniya.

Kumpiyansa si Juico sa magiging performance ng mga atleta bunsod na rin ng walang humpay na pagsasanay. Aniya, matapos ang dalawang torneo, pipiliin ang batch na ipadadala sa Australia para magsanay bago ang 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malayia sa Agosto.

‘The other half of the pool will stay in Manila and will undergo intensive training under a foreign coach from South America. Hindi pa na-formalize yung kontrata but our friends in Shanghai are working closely.

Sa Ayala-Philippine National Open na sunod na gaganapin sa Marso 30-Abril 2, nakasalalay ang laban ng koponan sa mga fil-foreign player tulad nina Rio Olympic semifinalist Eric Cray (400-meter), SEA Games champion Caleb Stuart sa hammer throw at Donovant Arriola, bronze medalist sa Singapore SEA Games, gayundin ang local sa pamumumu ni SEAG multi-titled Marestela Torres.

‘They are all coming here to compete for the flag and country. Our hopes are high, na malalagpan nila ang mga performance nila,” aniya, patungkol sa RP Team na mas kilala bilang ‘Popoy’s Army’.

Siniguro naman ni dating Ilagan City Mayor Jay Diaz na magiging maayos ang buong araw ng kompetitisyon mula sa accommodation, transportation at security.

“Parang piyesta aaraw-araw. Iyang ang tinitiyak naming,” sambit ni Diaz na nagimbita ng mga celebrity tulad nina Kathleen Bernardo at Sam Milby para magbigay ng kasiyahan sa mga kalahok at local. “We also prepare eco-tourism trip para ma-enjoy ng mga foreign at local tourist ang ipinagmamalaking tourist attraction sa Ilagan, Isabela,” sambit ni Diaz.

Pinasalamatan din ni Juico ang mga pribadong kumpanya na nagtulong-tulong para maisakatuparan ang torneo at mabigyan nang sapat na pagsasanay ang mga atleta.

“The entire athletics community thanks Ayala for this shot in the arm, the PSC and other agencies for creating the environment that will make helping the government a truly productive endeavour,” pahayag ni Juico. (Edwin G. Rollon)