VICTORIA, Tarlac - Hindi na iginalang ng isang 28-anyos na lalaki ang kanyang ama na walang awa niyang pinagtataga ng jungle bolo sa iba't ibang parte ng katawan matapos silang magtalo sa problemang pampamilya sa Purok Ilang Ilang sa Barangay San Agustin, Victoria, Tarlac, nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay PO3 Sonny Villacentino, hindi pa matiyak ang kalagayan sa Tarlac Provincial Hospital ni Jobito Aguspit, 51, habang naaresto kaagad ang anak niyang si Jay-Ar Aguspit, kapwa residente ng nasabing barangay.

Dakong 3:30 ng hapon nang magtalo ang pareho nang lasing na mag-ama hanggang sa pagtatagain ng suspek ang sariling ama. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog