HINDI natinag sa matinding hamon ang beteranang pitcher na si Mary Ann Antolihao at pinangunahan ang University of Santo Tomas sa pagpawi ng twice-to-beat advantage ng National University at maisaayos ang Final kontra Adamson University sa UAAP Season 79 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nagtala si Antolihao ng limang strikeout, habang nagposte ang kakamping si CJ Roa ng dalawang RBIs sa first inning para pamunuan ang Tigresses sa 2-0 paggapi sa Lady Bulldogs.

Sa baseball, sinelyuhan ng UST ang una nilang championship appearance sa nakalipas na anim na taon matapos pataubin ang Ateneo, 9-4.

Dahil sa panalo, naitakda ang pagtutuos ng Growling Tigers (7-2) at Blue Eagles (7-3)sa best-of-three title series sa Marso 21 bago ang laban ng UST at Adamson sa softball finals.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nauna nang umusad ng finals ang topseed Lady Falcons makaraang gapiin ang University of the Philippines, 2-1, sa isa pang semifinals pairing. (Marivic Awitan)