Namatay sa pagkalunod ang isang dalaga makaraang tumalon sa isang ilog sa Makati City nitong Martes.

Dead on the spot si Sheena Ravelo y Caturan, 25, ng Block 10, Lot 3, Dama De Nocher Street, Molino VII, Cavite City.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO), dakong 1:00 ng hapon nangyari ang insidente sa 25th St., River Bank, Barangay West Rembo, Makati City.

Sa salaysay ni Renita Tominio, testigo, kay SPO2 Dominador Robles, imbestigador ng Makati City Police, natuon ang kanyang atensiyon sa pagsigaw ng isang Mer Jaylo na sumisita sa isang babaeng nakatayo sa gilid ng ilog.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kinutuban umano si Tominio na may masamang gagawin ang babae kaya agad niya itong sinabihan na huwag tatalon sa ilog subalit bigla umanong humagulgol si Ravelo at tuluyang tumalon.

Sinubukan naman umanong sagipin ng isang Rommel Doktor ang biktima ngunit pumiglas umano ito hanggang sa tuluyang nalunod. (Bella Gamotea)