DINUNGISAN ng defending men’s champion National University ang malinis na karta ng University of the East, 3-2, sa UAAP Season 79 lawn tennis tournament nitong weekend sa Rizal Memorial Tennis Center.

Tinuldukan ng Bulldogs ang six-tie winning run ng UE sa pangunguna ni rookie star AJ Lim.

“Great effort today guys!! We couldn’t pull it off today, but I will always be proud to be part of our team! Let’s take this as a lesson to keep fighting and moving forward. Heads up, RED WARRIORS!!!,” pahayag ni Lim sa kanyang Facebook message.

Nananatiling malinis ang marka ni Lim sa nakalipas na pitong singles match.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nahila naman ng reigning women’s champion NU ang winning run sa anim matapos pabagsakin ang Ateneo, 4-1.

Nanatili namang buhay ang pag-asa ng men’s at women’s team ng University of Santo Tomas tangan ang No.2 spot matapos maitarak ang parehong 4-1 panalo kontra De La Salle at UP, ayon sa pagkakasunod.