Patay ang isang opisyal ng Department of Education (DepEd) matapos itong sundan sa banyo ng isang gasolinahan at barilin habang naghuhugas ng paa sa Parang, Maguindanao, nitong Lunes ng hapon.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang posibilidad na personal ang motibo sa pagpatay kay Nasser Babay Debanza, 52, may-asawa, at DepEd supervisor sa Punta Bayabao, Lanao del Sur.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Office director Senior Supt. Agustin Tello, nagbanyo sa gasolinahan sa Barangay Making, Parang, ang biktima para maghugas ng paa sa gagawing pagsamba nang sundan siya ng nag-iisang suspek at binaril gamit ang .45 caliber pistol.

Tumakas ang suspek sakay sa puting Toyota Fortuner, habang isinugod pero hindi na umabot nang buhay sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) si Debanza. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog