Benjamin Millepied, at Natalie Portman (Photo by Jordan Strauss/Invision/AP, File)
Benjamin Millepied, at Natalie Portman (Photo by Jordan Strauss/Invision/AP, File)

IPINANGANAK na ng Oscar-winning actress na si Natalie Portman, 35, ang kanyang ikalawang anak kay Benjamin Millepied, ayon sa kanyang kinatawan.

“Natalie Portman and her husband Benjamin Millepied welcomed a baby girl, Amalia Millepied, on Feb. 22,” saad ng kanyang kinatawan sa People. “Mother and baby are happy and healthy.”

Ikinasal si Natalie at ang French choreographer na si Millepied, 39, noong 2012 sa Big Sur, California at ang kanilang panganay na si Aleph ay limang taong gulang na.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Unang ipinakita ng star ang kanyang baby bump noong Setyembre sa Venice Film Festival habang ipino-promote ang kanyang mga pelikulang Planetarium at Jackie.

Noong huling bahagi ng Nobyembre ng 2016, dumalo si Portman sa 2016 Gotham Awards sa New York, na nakasuot ng knee-length beaded frock ni Rodarte na kapansin-pansin na ang lumalaking tiyan.

“I’m feeling great,” saad ng dating aktres ng Star Wars sa People sa 30th Israel Film Festival Anniversary Gala Awards.

Bagamat kilalang pribado sina Portman at Millepad, na nagkakilala sa set ng Black Swan noong 2010, pagdating sa kanilang buhay pamilya, nagbahagi naman ang aktres noong summer 2016 para sa T Magazine ng The New York Times kung paano siya binago ng kanyang pagiging ina.

“(Parenthood) made me much calmer under stress, because there’s that weird parent thing you develop, that when things get really bad, your voice gets calm and your blood pressure slows, and you can make everything okay again,” aniya.

Dagdag pa niya, kung gaano kabilis ang panahon kapag naging magulang ka na, “I hate saying it, cause ugh, we hated it so much when people said it to us. They always said it, and now we say it, and it’s awful, and we’re old. But it’s also true.” - People.com