Mga Laro sa Huwebes

(Moro Lorenzo Field)

9 n.u. -- AdU vs UE

2 n.h. -- NU vs DLSU

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

4 n.h. -- FEU vs UP

NAMAYANI ang University of the Philippines, 1-0, para makalapit sa target na first round sweep sa UAAP Season 79 football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Nagtala si Enzo Ceniza ng goal sa ika-70 minuto upang makamit ng Blue Eagles ang kabuuang 18 puntos.

Dahil sa kabiguan, nanatili ang UP sa ikatlong puwesto sa natipon nilang 10 puntos. Sa iba pang laro natapos ang duwelo ng University of Santo Tomas at De La Salle sa 2-2 draw.

Nagwagi rin ang National University kontra Adamson University, 2-1, Sa women’s division, tinalo ng De La Salle ang UST, 6-2,para makatabla sa Ateneo na may anim na puntos habang nagtapos naman sa scoreless draw ang laban ng UP at FEU. (Marivic Awitan)