MAHIGIT 200 “pasaway” na pulis ang hindi tumalima sa utos ni President Rodrigo Duterte na ma-deploy o maitalaga sa Mindanao. Tanging 53 pulis ang sumunod sa kautusan at ang karamihan ay hindi sumipot sa lugar na sila ay kukunin para isakay sa C-30 patungo sa Basilan upang doon muna ma-assign sa loob ng dalawang taon. Karamihan sa mga “scalawag” na miyembro ng Philippine National Police ay mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Sila ay sangkot umano sa iba’t ibang kaso ng paglabag sa batas.

Ikinakatwiran ng mga pinuno ng PNP na hindi isang parusa ang pagpapatapon sa mga rogue cops sa Basilan kundi bahagi lamang ng tinatawag nilang re-assignment. Pero, maliwanag ang banta ni Mano Digong na paulit-ulit niyang inihahayag sa publiko, na ipadadala o “ipatatapon” ang mga tiwaling kasapi ng PNP sa Mindanao bilang parusa sa kanila.

Dahil sa malagim na trahedya na nangyari sa fieldtrip ng mga estudyante ng Best Link College of the Philippines kamakailan sa Tanay, Rizal na ikinamatay ng 14 na mag-aaral, ipagbabawal muna ng Commission on Higher Education (CHEd) ang fieldtrip at educational tour sa lahat ng pampubliko at pribadong Higher Education Institutions (HEIs).

Sinabi ni CHEd Commissioner Prospero de Vera na nagpasiya ang komisyon na mag-isyu ng moratorium sa lahat ng out of town, out of school trips ang lahat ng kolehiyo at unibersidad habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon tungkol sa naganap na traffic accident ng Panda Coach Tourist Bus na sinakyan ng mga estudyante.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Magsasagawa ang Senado ng pagsisiyasat tungkol sa ibinunyag ni SPO3 Arthur Lascañas na pagkakaroon ng Davao Death Squad (DDS) noong si Rodrigo Duterte ang alkalde ng lungsod. Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, na diringgin nila ang mga pahayag at pagbubunyag ni Lascañas bagamat ito ay maaaring makasuhan ng perjury o pagsisinungaling.

Sa una kasing pagdinig ng Senado noon, nanumpa si Lascañas na magsasabi ng katotohanan, at noon ay inihayag niyang walang DDS kontra sa pahayag ni Edgar Matobato, umaming kasapi ng DDS. Si Lascañas, ayon sa kanya, ay team leader ng DDS.

Nilinaw ni Lacson na ang ... pagdinig ng kanyang komite ay isang bagong pagdinig at hindi re-opening ng imbestigasyon na ginawa na noon ng Senate committee on justice and human rights na ang chairman ay si Sen. Dick Gordon, tungkol sa extrajudicial killings. Ang pangunahing testigo noon ay si Matobato na sinabi nilang walang kredibilidad ang mga pahayag.

Nananawagan si Sen. Leila de Lima sa mga mamamayan na ihayag ang nilalaman ng kanilang damdamin at papanagutin si Pangulong Duterte sa nangyayaring human rights violations at extrajudicial killings sa bansa. (Bert de Guzman)