BAMBAN, Tarlac – Sa kabila ng pagiging bingi at pipi ng isang manggagawa ay nagawa pa siyang pagsasaksakin ng gunting ng kasamahan niya sa trabaho sa Barangay San Pedro, Bamban, Tarlac.
Pinagsasaksak umano ni Rogelio Valdia, 51, sa likod at leeg si Rolly Baron, 52, kapwa residente ng nasabing barangay.
Sa pagsisiyasat ni PO3 Febmier Azura, dakong 10:00 ng gabi nitong Pebrero 16 at nasa duyan si Baron nang lapitan at pagsasaksakin ng gunting ng lasing umanong suspek.
Napag-alaman na may personal umanong galit si Valdia kay Baron. (Leandro Alborote)