ISA sa tatlong ‘lalaki’ ni Maja Salvador sa seryeng Wildflower si Joseph Marco na galing din sa panghapong seryeng Pasion de Amor.

Hindi lingid sa mga sumubaybay ng Pasion de Amor kung paano pinainit nina Joseph, Ejay Falcon at Jake Cuenca ang viewers ng panghapong slot. This time, maari itong maulit sa Wildflower, na bukod kina Joseph at Maja ay magbibilad din ng skin at abs sina Wendell Ramos, Vin Abrenica at RK Bagatsing.

Inamin ni Joseph sa isang panayam na mas daring siya sa Wildflower kaysa sa Pasion.

“Mas mapusok ‘to, kasi I’m going to be paired with napakagaling na artistang si Maja Salvador,” sabi ng aktor. “And siyempre parang dito marami kaming kasamang mga veterans and somehow, ang taas nu’ng pressure to the point na kailangan ko talagang mag-step up. Marami silang aabangan. Maraming sexy scenes dito.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Abangan daw ang kapanta-pantasyang eksenang gagawin niya.

Nilinaw din ni Joseph kung ano ang kaugnayan niya sa baguhang aktres na si Ria Atayde, anak ni Ms. Sylvia Sanchez.

“Kasi si Arjo (Atayde, Ria’s brother), best friend ko for the longest time and siya, siyempre, every time na nakakasama ko si Arjo, nandoon din siya. So parang naging best friend ko na rin siya. Actually, siya na nga lang yata ang babaeng close ako kasi wala ako masyadong close na babae. So, tini-treasure ko talaga ‘yung friendship namin.

Kaya sobrang nakakatawa naman ‘yun, parang kapatid ko na si Ria,” sey ni Joseph.

So, hindi totoong nililigawan niya ang dalaga?

“Actually, natatawa lang ako kasi deep inside, alam n’yo sa sarili n’yo kung ano talaga. At saka, baka bugbugin ako ni Arjo,” sabay tawang sabi ni Joseph.