Ni NITZ MIRALLES

Piolo at Yen
Piolo at Yen
PINALITAN ang title ng movie nina Piolo Pascual at Yen Santos, hindi na Once In A Lifetime kundi Northern Lights: The Movie. May mga eksenang kinunan sa New Zealand, isa sa mga bansa na may lumalabas na Northern Lights o Aurora Borealis.

Isa sa magiging pang-come on ng movie ang Aurora Borealis dahil marami sa mga Pinoy ang gustong ma-witness ito. Pero dahil mahal mag-travel papunta sa mga bansang may Aurora Borealis o Northern Lights, okay na muna sa kanila o sa atin na mapanood ang natural phenomenon na ito sa pelikula.

Wala pang announcement kung kailan ang playdate ng Northern Lights: The Movie na co-produced ng Regal Films at Star Cinema. Kung hindi kami nagkakamali, co-producer din nito si Piolo.

Walang teleserye o regular TV show si Piolo, pero sunud-sunod ang pelikula niya, kaya matutuwa ang kanyang fans. Bukod sa Nortern Lights: The Movie, may gagawin din siyang pelikula with Dayanara Torres at isa pang pelikula na si Iza Calzado naman ang kapareha niya.

Trending

Netizens, kinatuwaan ‘Sailor Moon tribute’ ng NASA sa paglipad ng Artemis II sa buwan