Tinatayang aabot sa P164 milyon ang jackpot prize para sa 6/58 Ultra Lotto draw ngayong Linggo, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Walang nakatsamba nitong Biyernes sa Ultra Lotto winning numbers na 12 05 01 18 22 35, kaya hindi napanalunan ang P158,496,424 milyon jackpot.

Gayunman, may 27 second place winner—o nakakuha ng lima sa mga nanalong numero—na nagwagi ng P54,030 bawat isa; 1,600 ang third place winner (nakaapat na numero) na may P720 bawat isa; at 27,985 ang fourth place winner na may balik-tayang P20.

Wala ring naka-jackpot sa 6/45 winning combo na 31 32 45 22 12 01, na nanalo sana ng P87,606,308.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mayroon namang 24 na second prize winner, na may P50,000; 1,412 third prize winner na may P750 panalo; at 26,782 fourth prize winner na may P20 bawat isa. (Jenny F. Manongdo)