CAMP DANGWA, Benguet – Tatlong katao na suspek sa pagsunog sa dalawang Volvo truck ng Philex Mining Corporation ang nadakip sa pagtugis ng pulisya nitong Huwebes sa Sitio Tapak, Barangay Ampucao sa Itogon, Benguet.

Ayon kay Senior Supt. Angelito Casimiro, deputy regional director for operations ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera, nasa kustodiya na ng 503rd Brigade ng Philippine Army sa Baguio City sina Antonio Cabalser, Sarah Abeloon at Marciano Passon Sagun, at masusing iniimbestigahan kung mga miyembro sila ng New People’s Army (NPA).

Matatandaan dakong 7:30 ng umaga nitong Huwebes nang limang armado na umano’y miyembro ng NPA ang humarang sa dalawang truck ng Philex at sinilaban ang mga ito. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?