Nais ni Sen. Bam Aquino na magbigay ng pahayag ang mga estudyante at kanilang mga magulang ukol sa plano ng pamahalaan na buhayin ang Reserved Officers Training Course (ROTC) para sa Grade 11 at 12.

“We want to know the students’ position on this matter,” wika ni Aquino, chairman ng Committee on Education.

Nanawagan si Aquino sa mga estudyante, student council at parents association na magpahayag ng pananaw sa planong ito ng pamahalaan sa pagsusumite ng position papers sa kanyang komite.

Tinigil ang ROTC matapos masangkot ang mga kadete at ROTC officials sa iba’t ibang isyu gaya ng hazing at pangingikil.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bago ito, lahat ng estudyante sa kolehiyo ay kinakailangang sumailalim sa dalawang taong ROTC. (Leonel Abasola)