SAN JACINTO, Pangasinan – Dead on arrival sa ospital ang isang retiradong US Navy makaraang pagbabarilin sa Barangay Casibong sa San Jacinto, Pangasinan.
Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pagpatay kay Danny Blaylock, 70, Amerikano at retiradong US Navy na residente sa Bgy. Casibong.
Batay sa report, dakong 10:35 ng umaga nitong Sabado at naglalakad si Blaylock sa lugar nang barilin ng suspek na nakasakay sa Smash Suzuki motorcycle. (Liezle Basa Iñigo)