BUCHAREST (Reuters) – Mahigit 250,000 Romanian ang nagprotesta nitong Miyerkules laban sa kautusan ng gobyerno na hindi na magiging krimen ang katiwalian o pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Inaprubahan ng cabinet ang kautusan ng bagong Social Democrat government ni Prime Minister Sorin Grindeanu noong Martes ng gabi.

Kinaumagahan, hinamon ito sa korte ng Superior Magistrates’ Council (CSM) at kinahapunan ay umabot sa 150,000 ang nag-rally sa labas ng cabinet building sa Bucharest. Tinatayang 150,000 iba pa ang nakiisa sa mga demonstrasyon sa 55 bayan at lungsod sa bansa.

“Repeal it, then leave,” sigaw ng mga nagpoprotesta. “Thieves, thieves.” Marami ang nagwagayway ng pambansang watawat ng Romania.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na