TARLAC CITY – Muling natigmak ng dugo ang highway ng Barangay Paraiso sa Tarlac City matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem ang isang construction worker na umano’y sabit sa droga, nitong Lunes ng tanghali.

Kinilala ni PO3 Gerald Dela Vega ang biktimang si Conrado Santos, 44, binata, ng Bonifacio Street, Bgy. San Miguel, Tarlac City.

Dakong 12:50 ng tanghali at nasa vulcanizing shop si Santos nang dalawang armado na sakay sa motorsiklo ang biglang tumigil at walang awang pinagbabaril ang biktima. (Leandro Alborote)

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan