Inilarawan ni Senator Leila de Lima ang Philippine National Police (PNP) bilang pinakaorganisadong criminal syndicate sa buong bansa at naging kumpleto ito nang gawing “vigilante squad” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The PNP under Duterte can now be considered as the most organized criminal group in the country. When you speak of organized crime in the Philippines, you speak of the PNP under Duterte,” ani De Lima.

Ang pahayag ni De Lima ay ginawa matapos aminin ni Pangulong Duterte na 40% sa pulisya ay “corrupt to the core”.

Sinabi rin ni Duterte na patuloy ang kampanya laban sa droga hanggang sa huling araw niya bilang Presidente sa 2022.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Aminado si De Lima na nangyari na ang sinasabi niyang pabagu-bagong ugali ni Pangulong Duterte at ito ang nakakatakot.

“This is why I continue to worry about the state of the President’s mental health. He displays signs of cognitive dissonance not only in his carefree monologues but worse, also in his official pronouncements. This latest incongruence between his factual assertion of a rotten police force on the one hand and his reliance on them to continue prosecuting his drug war as official government policy has dire consequences, which means more killings by corrupt and criminal policemen,” paliwanag ni De Lima.

Aniya, ang pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick-oo sa loob ng Camp Crame ay mangyayari hindi lamang sa paglaban sa droga kundi maging sa mga iba pang kampanya na gagamitin ng pulisya sa kanilang mga illegal na gawain.

Duda din si De lima sa suspensiyon ng Tokhang Operation na ipinatupad ni PNP Chief Ronald de la Rosa at inilarawan itong “media propaganda”. (Leonel M. Abasola)