Suportado ng mga miyembro ng House committee on agriculture and food ang panukalang magtatag ng Carabao Center sa Bicol Region.

Mas marami ang kalabaw o water buffalo sa Region 5 kumpara sa ibang rehiyon sa bansa.

Sa pagdinig, nagpahayag ng suporta ang mga mambabatas sa House Bill 626 ni Albay 3rd District Rep. Fernando B. Gonzales na layuning magtayo ng Carabao Center sa Ligao, Albay upang maparami pa ang Philippine carabao.

(Bert de Guzman)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog