HAHARAPIN ng defending champion Perpetual Help ang Arellano U sa knockout duel para sa karapatan na makalaban ng Emilio Aguinaldo sa second stepladder semis sa juniors division ng 92nd NCAA volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Nakopo ng Junior Altas ang ikatlong puwesto (5-2), habang nasa ikaapat ang Juniors Chiefs (4-3). Makakausad sa stepladder semis ang magwawagi sa kanilang laro ganap na 10:00 ng umaga.

Haharap ang magwawagi sa Emilio Aguinaldo sa Lunes kung saan tangan ng Junior Generals ang bentaheng ‘twice-to-beat’ matapos makamit ang No.2 slot tangan ang 6-1 marka.

Hawak ng Lyceum of the Philippines ang No.1 slot at ang bentaheng ‘thrice-to-beat’ sa finals.

“We will give it our best to get the win,” pahayag ni Perpetual coach Sandy Reita.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

Sa women’s play, magtutuos ang reigning titlist St. Benilde at San Beda ganap na 2:00 ng hapon para sa No.3 seeding.

(Marivic Awitan)