WHITE PLAINS, N.Y. (AP) — Napili sina John Isner, Jack Sock, Steve Johnson at Sam Querrey sa U.S. Davis Cup team na sasabak kontra Switzerland sa kanilang Davis Cup tie.

Hindi makalalaro sina Roger Federer at Stan Wawrinka para sa Switzerland, habang nagretiro na sa US team ang kambal na Bryan.

Gaganapin ang best-of-five series ng first round sa Feb. 3-5 sa Birmingham, Alabama.

Inihayag ang line-up nitong Martes (Miyerkules sa Manila) kung saan kabilang sa Switzerland team sina Marco Chiudinelli, Henri Laaksonen, Adrien Bossel at Antione Bellier.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Ang magwawagi sa duwelo ng Switzerland at U.S. ay aabante para makaharap ang mananalo sa duwelo ng Australia at Czech Republic sa quarterfinals.

Hindi makalalaro sa Czechs si world No. 10 Tomas Berdych, na nagdesisyo na ituona ng pansin sa pagsabak sa ATP Tour, gayundin sina Lukas Rosol at Adam Pavlasek sa laro na nakatakda sa Feb. 3-5 sa Kooyong Lawn Tennis Club sa Melbourne.