BATANGAS CITY - Arestado ang isang empleyado ng supermarket matapos umanong mahuli nitong Linggo sa pagpupuslit ng turon at lumpia na ibinebenta sa establisimyento sa Batangas City.
Ayon sa report ni SPO1 Doni Irvin Casuyuran, dakong 8:15 ng gabi nitong Linggo nang harangin ng mga security guard si Philip Lacerna Jr., 22, bagger, na may dalang supot.
Nang usisain, nakita sa loob ng supot ang dalawang turon, na nagkakahalaga ng P30, at dalawang lumpia sa halagang P40. (Lyka Manalo)