NALUSUTAN ng San Beda College ang hamon ng Mapua nang makaungos sa dikdikang 5-sets upang masiguro ang playoff para sa isang semifinals berth.

Ginapi ng Red Lionesses ang Mapua Lady Cardinals, 25-16, 25-15, 22-25, 20-25, 15-9, kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Dahil sa panalo, umangat ang San Beda sa barahang 6-3.

Nanguna para sa koponan si Francesca Racraquin na may 16 puntos .

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

“Masaya kami nakapasok kami sa playoff pero mas masaya kami kung nasa Final Four na kami,” ani San Beda coach Nemesio Gavino.

Nanguna naman sina Patricia Peña , Diane Latayan at Danielle Ramilo para sa Lady Cardinals na nalaglag sa barahang 5-3.

Nauna rito, kinumpleto ang Final Four casts ng men’s division matapos patalsikin ng Red Lions ang Mapua, 22-25, 25-23, 25-13, 25-13.

Tinapos ng Red Lions ang eliminations na may markang 7-2 habang pinabagsak nila ang Cardinals sa barahang 5-4.

Sinamahan nila ang mga naunang semifinalists College of St. Benilde (7-1), Arellano University (6-2) at defending champion Perpetual Help (6-1). (Marivic Awitan)