Sinabi kahapon ni Speaker Pantaleon Alvarez na bubusisiin at rerepasuhin ng Kamara ang MOA (memorandum of agreement) sa common terminal linking o pag-iisa ng istasyon ng Light Railway Transit Line 1 at Metro Rail Transit Lines 1 at 7, na gagastusan ng gobyerno ng P2.8 bilyon.

Nilagdaan ang MOA noong Miyerkules nina Transportation Secretary Arthur Tugade at Public Works Secretary Mark Villar, LRT Authority Administrator Reynaldo Berroya, SM Prime Holdings Inc. (SMPHI) executive chairman Hans Sy, Light Rail Manila Corp. vice chairman Manuel V. Pangilinan, San Miguel Corp. (SMC) president at chief operating officer Ramon Ang, at ng North Triangle Depot Commercial Corp. (NTDCC) na kinatawan ng Ayala Land Inc. vice chairman Jaime Augusto Zobel de Ayala.

“Hindi magandang balita yan, dahil masyadong malaki yung cost. Ngayon ang tanong, yung proposal ba doon sa common stations ay yun ba ay para sa convenience ng passengers?” sabi ni Alvarez. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji