PANIQUI, Tarlac - Isang hindi kilalang babae na pinaniniwalaang biktima ng salvaging ang natagpuan sa Paniqui-Anao Road sa Barangay Sta. Ines sa Paniqui, Tarlac matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem, nitong Miyerkules ng gabi.
Ang biktima ay edad 20-25, kulot, balingkinitan at nakasuot ng asul na short pants at tsinelas.
Kuwento naman ng dating barangay chairman sa lugar na si Melgazar Balanio, Sr., nasa loob siya ng bahay nitong Miyerkules ng gabi nang marinig niya ang sunud-sunod na putok ng baril hanggang matagpuan ang biktima.
(Leandro Alborote)