Pinosasan ng mga awtoridad ang isang lalaking matagal na umanong wanted sa kasong carnapping sa pagsalakay ng mga awtoridad sa Sta. Mesa, Maynila kamakalawa.

Sa bisa ng warrant of arrest, dinakma ng mga pulis si Anthony Borromeo, 35, ng 4927 Valenzuela Extension, corner Langka Street, Damka, Sta. Mesa, dakong 11:15 ng umaga.

Ayon kay Police Supt. Olivia Sagaysay, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 8, nakatanggap sila ng tip na madalas umanong mamataan ang suspek sa Valenzuela Extension, kanto ng Langka Street.

Dahil dito, agad sinalakay ng mga pulis ang lugar, sa pangunguna ni Police Senior Insp. Manolito Flores, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Borromeo na naaktuhan pang umiinom ng beer sa harap ng kanilang bahay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa Sta. Mesa Police Station. (Mary Ann Santiago)