TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Kinasuhan kahapon ng reckless imprudence resulting to multiple homicide ang driver ng van na nakabangga sa isang motorsiklo na sinasakyan ng tatlong binatilyo sa Barangay Balingcanaway sa Rosales, Pangasinan.

Ayon kay Chief Insp. Ador Tayag, hepe ng Rosales Police, kinasuhan na kahapon si Sanimar Ambacan, 33, ng Bgy. Bacong, La Trinidad, Benguet, kaugnay ng pagkasawi nina Mark Anthony Gorospe, Eugene Gorospe, at Jonathan Ricomano, pawang 17-anyos at taga-Bgy. San Anton, Rosales.

Batay sa pagsisiyasat, dakong 8:40 ng gabi nitong Martes nang mangyari ang aksidente sa Bgy. Balingcanaway sa Rosales, Pangasinan. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match