BAY, Laguna – Isang high-value target (HVT) na umano’y tulak at kapatid nito ang napatay ng mga pulis na magsisilbi sana ng arrest warrant sa Barangay P. Rizal sa Bay, Laguna, nitong Linggo ng umaga.

Patay sina Daniel E. Carandang, 48, may asawa, umano’y miyembro ng Tirtir Gang; at Mauro Carandang, 53, may asawa, kapwa ng Bgy. Rizal, ayon kay Laguna Police Provincial Office director, Senior Supt. Joel Pernito.

Ayon sa police report, pinaputukan umano ng magkapatid ang mga paparating na pulis kaya napilitang gumanti ang mga awtoridad at napatay ang dalawa. (Danny J. Estacio)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match