VICTORIA, Tarlac – Naaagnas na ang sanggol na pinaniniwalaang itinapon sa kanal ng walang puso nitong ina sa Barangay Sta. Barbara, Victoria, Tarlac, nitong Linggo ng umaga.
Sinabi ni PO1 Catherine Joy Quijano na isang Mar Alfonso ang nakadiskubre sa naaagnas na bagong silang na sanggol sa kanal.
Nakalagak ngayon ang bangkay ng sanggol sa Lotus Funeral Parlor sa Tarlac City para sa kaukulang disposisyon.
(Leandro Alborote)