LIPA CITY, Batangas - Walang sinasanto ang mga magnanakaw at maging ang isang simbahan sa Lipa City, Batangas ay nilooban at tinangay ang benta ng religious articles.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 4:30 ng umaga nang matuklasan ang pagnanakaw sa Our Lady of Mount Carmel Church sa Barangay Antipolo Del Norte sa Lipa.

Naghahanda umano ng almusal si Sister Lorna Malibiran nang mapansin niyang nakalas ang window screen at air-condition unit sa kusina.

Natuklasan ding natangay ng mga suspek ang nasa P6,000 cash sa religious articles store at isang cell phone. (Lyka Manalo)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match