CAMILING, Tarlac – Pinaniniwalaang napagtripan lang ang isang houseboy na natagpuang nakalutang sa ilog at ginilitan sa lalamunan sa Barangay Anoling 1st, Camiling, Tarlac, kahapon ng umaga.

Nabatid na tatlong beses na ginilitan si Juan Adan, nasa hustong gulang, ng Bgy. Sta. Rosa 11, Marilao, Bulacan at houseboy ni Rosita Bacani, nasa hustong gulang, ng Bgy. Telbang, Camiling, Tarlac.

Sa pangunang pagsisiyasat ni PO3 Mario Simon, Jr., nabatid na nangingisda si Carlito Sumaoang, 61, may asawa, ng Bgy. Malacampa, sa Camiling River nang nadiskubre niya ang nakalutang na bangkay ni Adan. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog