GALIT na si Dianne Medina na pinsan ni Bb. Pilipinas-Universe Maxine Medina dahil sa pamba-bash sa huli. Inirereklamo ng mga basher na limitado ang English knowledge ni Bb. Pilipinas at mahina rin daw sa Q&A.

Kaya nag-post sa Facebook si Dianne, ang aktres at girlfriend ni Rodjun Cruz, ng mensahe para sa bashers ni Maxine at sa mga tinawag niyang “fake friends.”

“FAKE FRIENDS FAKE LOVE. For all of my INSENSITIVE friends here in FB who still share, like, make comments and say negative things about my cousin, YOU will be DELETED/BLOCKED! If some of you are wondering why we aren’t friends anymore and you don’t have access to my account, it’s because I already UNFRIENDED YOU. Truly, we can’t please everyone so yeah, I’m really sorry but I have to do this to end things in a PEACEFUL WAY. NO WORDS, JUST BLOCK. #FO Still, God bless everyone! #LABANMAXMEDINA. Don’t mess with my cousin, Dadaan muna kayo samin-Perez/Medina Family.”

Sinundan ito ni Dianne ng isa pang post: “Sa lahat ng mga kaibigan ko na nagsasabi ng mga masasakit na salita at nangba-bash sa pinsan ko, Fake Friends Fake Love!!! Unfriend, Unfollow, Block and Delete!!! Don’t mess with my cousin you can give tips/advices pero wag na wag kayo magsabi ng masama at masasakit na salita sa kanya! You don’t know her.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Lahat ginagawa nya para sa pageant na ito and para maayos niyang ma-represent ang bansa. Just support her!

“Please!!! Tayo ang kailangan niya ngayon. Tayo ang KAKAMPI niya!!! Please TRUST HER kaya nya yan. Thank you.”

Nakakalungkot lang dahil kahit sino yata ang manawagan na maging fair at suportahan si Maxine, may mga tao talagang ayaw magpapigil at patuloy ang pamba-bash sa representative natin.

Anyway, sa January 30, na ang Miss Universe at tama si Dianne, tulungan nating manalo si Maxine by supporting her and not by bashing her! (NITZ MIRALLES)