ZAMBOANGA CITY – Inakusahan ng isang 20-anyos na babae ng panghahalay ang isang negosyanteng Chinese na dati niyang kinakasama, sa Sindangan, Zamboanga del Norte.

Pinaghahanap na ng pulisya si Yanhuang Zhang Xie, alyas “Jumong”, 23, binata, tubong Fujien, Xiamen, China at pansamantalang nakatuloy sa Barangay Disud, Sindangan.

Ayon sa 20-anyos na biktimang taga-Aloran, Misamis Occidental, tinakot at ginahasa siya ng dayuhan sa loob ng apartment nito sa Bgy. Disud sa Sindangan dakong 9:30 ng gabi nitong Enero 12.

Kahihiwalay lang noong nakaraang linggo, sinabi ng biktima na pinapunta siya ni Jumong sa bahay nito dahil may mahalagang sasabihin, ngunit pagtungo niya roon ay pinagsasampal umano siya ng dayuhan, sinakal at puwersahang pinapirma sa isang dokumento na nagsasabing ninakawan niya ito at binigyan umano siya ng P5,000 kapalit ng pagtatalik nila.

Probinsya

NCIP, nagsalita na tungkol sa Mt. Pinatubo trail incident

Sinabi rin ng dalaga sa pulisya na puwersahan din umanong nakipagtalik si Jumong sa ilan nitong tauhang babae. (Nonoy E. Lacson)