Maine Mendoza
Maine Mendoza
PAULIT-ULIT na napapatunayan ni Maine Mendoza na marami talaga siyang followers sa pagiging top-selling ang mga produktong iniendorso niya, at isa na sa mga ito ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino na nanguna na sa market nitong nakaraang taon.

Dahil dito pasasalamatan ni Maine at ng CDO ang mga tumatangkilik sa produkto sa pamamagitan ng Dare to Be Funtastyk promo. Para magkaroon ng pagkakataong makibahagi sa Funtastyk Date With Maine, kailangang maisagawa ang exciting #FuntastykDares ni Maine.

Simula bukas, Enero 16, ia-announce niya ang dare sa CDO Funtastyk Young Pork Tocino Facebook page. Maaari ring bisitahin ang www.daretobefuntastyk.com para sa kumpletong detalye. Ang bawat dare ay magtatagal ng 20 araw. Kailangang kunan ng litrato o video ng sasali ang pagsasagawa ng dare at i-submit ito via Facebook chat.

Ang sasali ay magkakaroon ng chance na manalo ng date with Maine sa Funtastyk Feast sa February 28.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Excited ako kasi I will get to meet CDO Funtastyk Young Pork Tocino lovers. It’s also my chance to spend time with them!” sabi ng most trusted and effective endorser ng bansa.

“Thankful ako na nagtiwala ang mga tao sa akin as much as CDO. Happy ako na naging part ako ng success ng brand.

“Fan talaga ako ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino eversince kaya happy ako na number 1 na siya. It’s delicious, tender kasi hindi ito gawa sa inahing baboy and hindi ito malitid. It doesn’t shrink easily when cooked unlike other brands kaya young talaga ang love ko!”

At ano ang dare na pinakagustong ipagawa ni Maine sa CDO supporters and participants? “’Yung gaano karaming tocino ang makakain nila in a minute,” natawang sagot niya. “Masaya ‘yun!”