KALIBO, Aklan - Isang mag-ina sa Barangay Lupo sa Altavas, Aklan ang natagpuang naaagnas na at pinaniniwalaang namatay sa matinding gutom.

Kinilala ng awtoridad ang mag-ina na sina Rosalia Dela Cruz, 80; at Eddie Dela Cruz, 56 anyos.

Ayon sa mga kabarangay ng mag-ina, huling nakita si Eddie na humihingi ng gamot at bigas at makalipas ang ilang araw ay natagpuang naaagnas na ang mag-ina nang may pumunta sa kanilang bahay. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match