ZAMBOANGA CITY – Isang lalaki na ikakasal sana kahapon ang kritikal ngayon ang lagay sa ospital makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Tetuan, Zamboanga City, bago magtanghali kahapon.
Ayon kay Tetuan Police chief, Supt. Nonito Asdai, dakong 11:50 ng umaga at nagde-deliver ng wedding invitation si Emmanuel “Mark” Santos, taga-Bgy. Tugbungan, sa isa niyang kaibigan sa Alfaro Street nang mangyari ang insidente.
Sinabi ni Supt. Asdai na sinundan ng mga suspek ang sinasakyang Isuzu DMax (XRU-650) ni Santos at pagbaba ng huli ay malapitan siyang binaril ng dalawang salarin.
Nagtamo ng tatlong bala sa ulo at katawan si Santos, na kritikal ngayon sa ospital. (Nonoy E. Lacson)