Isang Grade 2 pupil ang napatay makaraang sumabog ang granada na pinaglaruan nito sa Barangay Bumitog sa Banna, Ilocos Norte, kahapon.
Kinilala ni Senior Insp. Artemio Clemente, hepe ng Banna Municipal Police, ang nasawi na si Joshua Alciera, walong taong gulang at residente ng Bgy. Bumitog sa Banna.
Sinabi ni Senior Insp. Clemente na isang MK2 fragmentation grenade ang sumabog sa bata, na posibleng napulot at kinalikot ang granada. (Fer Taboy)