TARLAC CITY - Isang fish vendor, na sinasabing nasa drug watchlist ng Tarlac City Police, ang pinatay ng riding-in-tandem sa Rizal Street, Barangay Paraiso, Tarlac City, nitong Martes ng hapon.

Sa ulat kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, dakong 4:30 ng hapon nang pagbabarilin si Sulpicio Mulay, 49, may asawa, ng nasabing barangay.

Ayon sa report, ang mga suspek ay may taas na 5’6” at 5’11”, balingkinitan, nakasuot ng puti at itim na long sleeves shirt at itim na pantalon. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog