Inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ang dalawang panukalang batas na magkakaloob ng tax amnesty at ibaba ang tax rates ng Bureau of Internal Revenue (BIR) upang mapalakas ang estate tax collection.

Pinagtibay ng komite na pinamumunuan ni Rep. Dakila Carlo E. Cua (Lone District, Quirino) ang House Bill 1889 na inakda ni Iloilo Rep. Arthur R. Defensor at HB 3010 ni Deputy Speaker at Marikina City Second District Rep. Romero Quimbo.

Ayon kay Cua, ang panukalang estate tax amnesty ay para sa mga parusa sa mga hindi binayarang buwis sa nagdaang mga taon. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji