Nais ni Senator Leila de Lima na imbestigahan ng Senado ang fraternity brothers ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa extortion scandal sa Bureau of Immigration (BI) sa kaso ng Chinese businessman na si Jack Lam.

Iginiit ni De Lima sa Senate Blue Ribbon Committee na kahit sinibak na sa puwesto sina commissioner Al Argosino at Michael Robles, marami pa ring dapat malaman ang taumbayan.

Sina Argosino at Robles ay ka-brod ng Pangulo sa Lex Talliones Fraternity ng San Beda School of Law. Inaakusahan sila na nangikil ng P50 milyon kay Lam, kapalit ng pagpalaya sa mga nahuling illegal Chinese workers sa Pampanga noong 2016. (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter