CAPAS, Tarlac -- Isang ‘di pa nakikilalang lalaki ang namatay matapos masagasaan sa Manila- North Road, Barangay Estrada, Capas, Tarlac Huwebes ng madaling araw.

Ang lalaki ay nasa edad 30 hanggang 40, 5’ 5’’ ang taas, nakasuot ng asul na t-shirt at gray short pants.

Sinabi ng isang nagngangalang June Marinay, 51, na ginising siya ng asawa hinggil sa malakas na kalabog ng sasakyan.

Natagpuan ni Marinay ang duguang katawan ng lalaki na nabundol sa highway.

Probinsya

Bilang ng mga nawawala sa MV Trisha Kerstin 3, hindi pa rin matukoy; mga nasawi, sumampa na sa 42!

Sinabi ng pulisya na dahil sa matinding takot ng nakabundol na driver ay iniwanan na ang biktima sa highway.

(Leandro Alborote)