TARLAC CITY — Nahuli ng mga kasapi ng Bantay Bayan sa Sitio Tampoco, Barangay Matatalaib, Tarlac City ang isang drug pusher kamakalawa ng gabi.

Sa ulat kay Tarlac Chief of Police Supt. Bayani Razalan, ang inaresto ay si Jimmy Tañedo, 37, may asawa at residente ng Sitio Buno ng nabanggit na barangay.

Narekober kay Tañedo ang isang plastic sachet na naglalaman ng 0.036 gramo ng hinihinalang shabu.

Nakatanggap ng ulat si Bantay Bayan Member Eduardo General na nagtutulak si Tañedo sa Sitio Tampoco.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nang puntahan ng mga bantay tanod ang suspek ay kaagad niyang ibinulsa ang sachet na natuklasang droga pala. (Leandro Alborote)