CAMP MACABULOS, Tarlac City — Anim katao ang nasugatan nang magbanggaan ang tatlong sasakyan sa Subic- Tarlac-La Union Expressway (SCTEX), Barangay Bantog, Tarlac City, Miyerkules ng umaga.

Isinugod sa Jecsons Medical Center sina Rowel Surla, 48, driver ng Toyota Innova (license plate WIY- 301); Faith, 19; Camille Surla, 16; Richnier Elad, isang taon; Maria Guadalupe Lucia, 58; Candelaria, 27; at Bernadette David, 28.

Lahat sila ay residente ng Sylvia Street, Nepo Subdivision, Angeles City, Pampanga.

Sangkot din sa banggaan ang isang Toyota Fortuner (ZPB- 564) na minamaneho ni Victor Ian Sevilla, 39, at ang Mitsubishi Pajero (RET- 823) na minamaneho ni Eduardo Rebadomia, 67.

Probinsya

'Amazing race?' 15 bus ng isang bus company, suspendido dahil sa 'karera'

Sinabi ng pulisya na nagkaaberya ang Pajero kaya sumalpok sa dalawang sasakyan sa unahan nito. (Leandro Alborote)