C.J. McCollum,Chris Dunn

Hawks, nakadagit ng ‘heavyweight’; Blazers, wagi.

ATLANTA (AP) – Naisalba ng Hawks ang krusyal na sablay sa free throws sa kritikal na sandali para mailusot ang 114-112 panalo sa overtime laban sa San Antonio Spurs nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Naisalpak ni Spurs forward Kawhi Leonard ang long jumper para maitabla ang iskor sa 112, may 30 segundo ang nalalabi.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Na-fouled si Tim Hardaway Jr. ni Danny Green, ngunit isa lamang ang naibuslo nito, gayundin si Dennis Schroder na na-fouled din ni Green para mapatigil ang oras.

Sa huling play ng Spurs, sumablay ang layup ni Leonard sa buzzer, sapat para madagit ng Hawks ang ikatlong sunod na panalo.

Naisalpak ni Hardaway ang triple may tatlong segundo ang nalalabi sa regulation para hilahin ang laro sa overtime.

Nanguna si Paul Millsap sa Hawks sa naiskor na 32 puntos, at 13 rebound para sa ika-18 panalo sa 34 na laro. Nag-ambag si Hardaway sa nakubrang 29 puntos, at tumipa si Schroder ng 16 puntos at 10 assist.

Naputol ang winning streak ng Spurs sa apat, sa kabila ng solid performance ni LaMarcus Aldridge sa naiskor na 27 puntos at 13 rebound, habang humirit si Tony Parker ng 22 puntos. Nalimitahan si Leonard sa 13 puntos.

PISTONS 107, HEAT 98

Sa Miamia, dismayado ang home crowd nang pataubin ng Detroit Pistons ang Heat.

Tangan ng Heat ang 14 puntos na bentahe sa kaagahan ng laro at nanatiling nasa unahan sa kasagsagan ng third period, subalit matikas na bumangon ang Pistons, sa pangunguna ni Andre Drummond.

Natuldukan ng Pistons ang two-game skid para sa ika-16 panalo sa 36 laro.

Hataw si Drummond sa nakubrang 25 puntos at 18 rebounds para sa Pistons, sunod na haharapin ang Indiana Pacers.

Nag-ambag si Reggie Jackson ng 27 puntos mula sa 10-of-17 shooting, habang kumawala si Kentavious Caldwell-Pope para sa 23 puntos.

Natamo ng Heat ang ikalimang sunod na kabiguan at ika-25 sa 35 laro.

Naglaro ang Heat na wala sina star player Hassan Whiteside, Goran Dragic at Justise Winslow na pawang may injurr.

Nanguna sa Heat sina James Johnson at Wayne Ellington namay 20 at 18 puntos, ayon sa pagkakasunod.

RAPTORS 123, LAKERS 114

Sa Los Angeles, nagningning ang performance ni Kyle Lowry sa naiskor na 41 puntos para pangunahan ang Toronto Raptors laban sa Lakers.

Nakaabante ang Lakers sa 12 puntos sa first half, ngunit mabilis na bumawi ang Raptors para maidikit ang iskor sa 58-57 sa halftime.

Naagaw ng Toronto ang bentahe nang paalabin ni Terrence Ross sa natipang three-pointer ang 20-5 scoring run.

Nakipagbuno ang Lakers, subalit naidikit lamang nila ang iskor sa 119-114 tampok ang three-pointer ni D’Angelo Russell may 42 segundo sa laro.

Ratsada rin si DeMar Derozan para sa Toronto sa natipang 31 puntos at tatlong assists para sa 23-10 record. Nag-ambag si Jonas Valanciunas namay 14 puntos at 10 rebound.

Nanguna sa Lakers si Russell sa naiskor na 28 puntos.

BLAZERS 95, Wolves 89

Sa Minnesota, naitala ni CJ McCollum ang career-high 43 puntos sa panalo ng Portland Trail Blazers kontra Timberwolves.

Nailista ni McCollum ang 16-of-25 field goal sa loob ng 39 minuto, sapat para maagang mabawi ng Blazers ang kabiguang natamo sa San Antonio Spurs.

Nahigitan ng Minnesota ang Portland sa third period, subalit sapat ang lakas ng Blazers para makaiwas sa kabiguan at itarak ang 15 puntos sa bentahe.

Nag-ambag si Mason Plumlee ng 18 puntos at walong rebound, habang kumubra si Evan Turner ng 11 puntos para sa Blazers.

Nagsalansan si Andrew Wiggins ng 24 puntos para sa Timberwolves, bumagsak sa 11-22 karta.

PACERS 117, MAGIC 104

Sa Indianapolis, Indiana, nadomina ng Pacers ang tempo ng laro sa kaagahan ng first period, tungo sa dominanteng panalo konra Orlando Magic.

Hataw si Myles Turner sa naisalpak na 23 puntos at 12 rebound para sa Pacers, nahigitan ang Magic, 27-17, sa second half. Kumambyo nman si Nikola Vucevic mulsa naiskor na 18 puntos at 11 rebound.

Nanguna si Serge Ibaka sa Magic na may 17 puntos.