UNITED NATIONS (AP) — Nagbiro si outgoing Secretary General Ban Ki-moon sa daan-daang diplomat at UN staff sa United Nations headquarters na pakiramdam niya ay siya si Cinderella dahil magbabago ang lahat para sa kanya pagsapit ng New Year’s Eve.

Pinaligiran ng mga president ng General Assembly at Security Council, pinasalamatan ng South Korean ang mga manggagawa ng UN noong Biyernes sa kanilang hard work at commitment sa loob ng kanyang 10-taong termino na nagtapos sa hatinggabi ng Disyembre 31. Sinabi niyang mayroon siyang “two words” para sa lahat: “Thank You.”

Bilang pinakamataas na opisyal ng UN, sa nakalipas na dekada, isinulong ni Ban ang pandaigdigang kasunduan para labanan ang climate change at mga bagong adhikain ng UN para malabanan ang kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay.

Ngunit aalis siya na hindi pa rin nareresolba ang mga digmaan mula sa Syria at Yemen hanggang sa South Sudan at Libya.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo